Politics

BIR tinabla palusot! Marcos hinabol sa 203B utang


Kinumpirma ng Bureau of Inner Income (BIR) na lumiham na ito sa pamilya ng yumaong si Pangulong Ferdinand Marcos nakaraang taon para sa P203.809 bilyon na pagkakautang nito sa pamahalaan.

Sa liham na ibinahagi ng Aksyon Demokratiko mula kay BIR Commissioner Caesar Dulay, sinabi ng huli na ginagawa nila ang kanilang trabaho at sa katunayan ay nagpadala na sila ng demand letter sa mga naiwan ng yumaong pangulo noong Disyembre 2, 2021 para sa pagkakautang ng kanilang pamilya.

Tugon ito ni Dulay sa kahilingan ni Aksyon Demokratiko Chairman Ernesto Ramel na muling buhayin ng ahensiya ang pagpapabayad sa pamilya Marcos ng kanilang utang ng isang beses kada limang taon.

Sinuportahan din ni Dulay ang pagtanggi ng Presidential Fee on Good Authorities (PCGG) sa pahayag ng spokesperson ni Marcos na si Atty. Victor Rodriguez na pinag-uusapan na ng BIR at PCGG ang sinasabing utang ng mga Marcos para maayos ito.

“Malinaw na ngayon, mula sa 1997 Supreme Court ruling GR 120880, sa mga kasagutan ng PCGG at BIR sa aming liham sa usapin ng bayaring estate tax ni Marcos Jr at ng kanyang pamilya… ang kampo ni Marcos Jr ay sinungaling, mahilig talagang gumawa ng istorya at mag-imbento ng sarili nilang katotohanan,” ani Ramel.

Inakusahan pa ni Ramel ang kampo ni Marcos ng patuloy na panloloko sa publiko para manalo sa halalan sa Mayo.

Idinagdag niya na alam nilang iiwas lang at hindi naman direktang sasagot si presidential aspirant Bongbong Marcos Jr sa nasabing usapin.

“Wala nang nagawa sa Ilocos Norte bilang gobernador ng siyam na taon at wala pang paggalang sa mga batas. Iyan ba ang dapat ihalal na pangulo?” giit nito. (Mia Billones)



Supply hyperlink

Leave a Reply

Your email address will not be published.