Politics

GMA Kapuso Foundation, nagpapasalamat sa lahat ng donors; mga bago at mas matitibay na silid-aralan, ipatatayo sa Siargao Island



Sa ating layunin na mabigyan ng magandang edukasyon at kinabukasan ang mga kabataan, katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang ating donors at sponsors para ito ay maisakatuparan. Kaya taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nagpaabot ng donasyon, na malaking tulong sa pagpapatuloy ng ating 'Kapuso School Development Project.' Maraming mag-aaral at guro ang mabibigyan natin ng pag-asa sa mga ipatatayo nating bagong classroom sa mga lugar na pinadapa ng Bagyong Odette.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.