Entertainment

Jaclyn Jose, may pakiusap sa mga baguhang artistang makakatrabaho niya


Hindi isyu para kay Jaclyn Jose ang makatrabaho ang mga baguhang artista.

Mahal na mahal ni Jaclyn Jose ang paggawa ng indie movies tulad na lang nitong pelikulang Tahan. Tuwing meron daw siyang pagkakataon at maluwag ang kanyang schedule ay tumatanggap siya ng mga ganitong initiatives. Ayon pa sa multi-awarded actress, hindi rin isyu sa kanya kahit mga baguhang artista ang makakatrabaho niya sa pelikula dahil nagsimula din naman siya midday bilang baguhang artista.

Bida sa pelikulang Tahan ang maituturing din na baguhang attractive actress na si Cloe Barreto na ipinakilala sa pelikulang Silab. Kasama dito ni Cloe ang iba pang mga baguhang artista na sina Stiff Banzon, AJ Oyteza, Mac Cardona, Joseph San Jose, at EJ Salamante. Kasama rin sa forged ng pelikula ang mahuhusay na aktor na sina Karl Medina at JC Santos.

“First time ko silang nakatrabaho, pero hindi po ako namimili ng katrabaho. Kasi, minsan din akong naging baguhan. Ang mga nakasama ko dati nung nagsimula ako ay hindi naman nila ako tiningnan nang mababa, or baguhan,” malumanay na pahayag ni Jaclyn by way of zoom sa ginanap na storycon ng pelikula.

“So, binibigay din po natin yung respeto kung paano tayo nirespeto ng ating mga seniors nung araw. Kung ano po yung binigay nila, ganun din po yung suporta at respeto na ibibigay ko sa mga baguhan. I will never get tired of working with the newcomers because I was once there,” dagdag pa ng aktres.

READ: Andi Eigenmann pays tribute to mother Jaclyn Jose on her birthday

Gagampanan ni Jaclyn sa Tahan ang karakter ng ina ni Cloe na ibinugaw sa prostitusyon ang sariling anak sa napakamurang edad. Maraming beses  na ring gumanap na prostitute midday si Jaclyn sa mga pelikulang Flesh Avenue, Non-public Present, White Slavery, at Macho Dancer.

Bilang beteranong aktres, may pakiusap naman si Jaclyn sa mga baguhang artistang makakatrabaho niya sa pelikula. Dapat daw ay siguraduhin ng mga ito na naka-focus sa kanilang ginagawa.

Aniya, “Siyempre, pagdating sa set, we’re what we’re portraying na. Pagkatapos po ng take, ng shoot, balik na po tayo agad-agad sa ating pagkatao. Kasi, pag ganitong may pandemya mabilis po ang trabaho.

“So, kinakailangan naka-focus po tayo. Kasi, hindi po tayo puwedeng matagal.  Kailangan medyo alam na po natin maski papa’no kung ano na po ang gagawin natin. Ibi-brief naman po tayo at saka yung script po. So, ang ini-expect ko po sana, kung maari ay… pati sa sarili ko rin po, pagdating po sa trabaho, trabaho po. Yun lang po.

“Puwede naman pong magsaya. Hindi naman ibig sabihin maging ano tayo… Let’s enjoy and work, para smooth and maganda po.”

READ: Coco Martin, bibida sa Kapampangan movie na ‘Apag’

Ang Tahan na sinulat ni Quinn Carillo na isa ring aspiring actress ay mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr. and produced by 3:16 Media Community na pag-aari ni Len Carillo. Co-producer naman ng pelikula si John Bryan Diamante.

Ayon sa direktor ng pelikula, open siya sa mga recommendations mula sa forged.

“Siyempre, ako po sobrang excessive respect sa kanila, sa expertise nila at excited na makatrabaho sila.

 Ako naman po kasi, I’m a really collaborative director. Sa lahat, ang pinakagusto ko po, yung katrabaho ko ay may maibabahaging talino sa proyekto.

“Kasi, sama-sama po naming pagandahin yung project. Kasi, hindi naman po puwedeng ako lang at ako, na ako lang ang magdidikta kung ano ang mangyayari. Mas maganda po kasi kung lahat, may contribution,” katwiran ni Direk Bobby.





Supply hyperlink

Leave a Reply

Your email address will not be published.