Politics

John & Marsha inspired? DongYan ‘Bonggang Villa’ sitcom kasado na sa May 14


Ngayon pa lang ay kilig na kilig na ang mga DongYan fan dahil sa pinost na story convention, at mga photograph ni Dingdong Dantes ng sitcom na pagsasamahan nila ni Marian Rivera, ang ‘Jose and Maria’s Bonggang Villa’, na sabi-sabi ay magsisimula na sa May 14!

Ito nga ang matagal na hinihintay ng mga fan, ang makita ang dalawa sa isang proyekto. Heto nga ang chika nila:

‘So excited!’ ‘Wow DongYan comeback, exciting!’ ‘Sana teleserye rin gumawa sila para may mapanood kami gabi-gabi.’ ‘Can’t wait, mapapanood ko na ulit ang favourite couple ko.’ ‘Yes finally the long wait is over.’

Effectively, ang cute nga ng teaser ng sitcom nila, na si Marian ay panay lang ang pa-cute, pagpapaganda, habang tila inasar naman siya ni Dingdong, na nagpaypay ng bar-b-que na ang usok ay napunta kay Marian.

At siyempre, nauwi sa lambingan ang dalawa.

Anyway, dahil sitcom nga ito, at alam naman natin na pag sitcom ang pinag-uusapan, palaging nababanggit ang ‘John & Marsha’ ng mga yumaong sina Dolphy at Nida Blanca, di ba?

Ang tandem nga nina John & Marsha ang nagpasikat talaga ng sitcom sa telebisyon.

At kaaliw lang na ang mga pangalan nila sa sitcom ay Jose at Maria.

Si Dingdong ay Jose Sixto Raphael Gonzales Dantes III sa totoong buhay. Si Marian ay Marian Gracia Rivera naman.

(*14*)Tula na ‘Darna’ inalay kay Marian

Talking of Marian, naantig ang puso niya sa mensahe ng isang bata na mag-aaral sa The Studying Tree. Nagbigay nga ng mensahe si Marian sa mga mag-aaral ng The Studying Tree tungkol sa kanyang karanasan sa buhay.

“Sana ay patuloy akong makapagbigay ng inspirasyon sa inyong lahat,” sabi pa ni Marian.

At heto nga ang mensaheng pasasalamat ng isang mag-aaral, na mala-tula na ang tema ay ‘DARNA’.

D-dumarating sa oras ng pangangailangan

A-ktibo sa pagtulong sa kapwa

R-amdam ang pagmamahal sa pamilya

N-ag uumpaw sa ganda at kabutihang loob

A-bot langit ang pagmamahal sa pamilya

Gng. Marian Rivera Dantes.

Maraming salamat po sa pagdalo sa aming ‘culminating activity’. Ako po si Bobby Bagting mula sa ikalawang baiting ng The Studying Tree’. Maraming salamat po.”



Supply hyperlink

Leave a Reply

Your email address will not be published.