Politics

Mayor, pamilya minasaker sa Ukraine


Bangkay na nang mabungaran ang lima katao sa Ukraine na kinabibilangan ng mayor, misis nito at anak na nakatali pa ang mga kamay sa isang village sa Kyiv.

Kinilala ang mayor na si Olga Sukhenko, 50-anyos, na dinakip ng Russian troops kasama ang kanyang mag-ina noong Marso 24.

Ayon sa awtoridad, ang apat na narekober na katawan kabilang ang alkalde ay bahagyang nakabaon sa lupa sa Motyzhyn, ‘di kalayuan sa kanyang tahanan. Habang ang isang bangkay ay narekober sa isang balon.

Kamakailan lang ay daan-daang bangkay ng mga sibilyang Ukrainians ang nadiskubreng nagkalat sa mga kalsada at sa mass graves na pinaniniwalaang dinale ng mga Russian forces.



Supply hyperlink

Leave a Reply

Your email address will not be published.