Politics

Pamilya minasaker sa Cainta


Isang ginang kasama ang kanyang anak at pamangkin na parehong mga paslit pa ang natagpuang patay matapos na pagsasaksakin sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. San Juan, Cainta, Rizal kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang ginang na si Angelica Antonio Manaloto, 24, habang ang kanyang anak na babae ay apat na taong gulang lamang samantalang 7-anyos naman ang lalaking pamangkin.

Ayon sa ulat ng Cainta Police Station, natagpuan na lang ang bangkay ng mga biktima pasado alas-siyete ng umaga noong Miyerkoles.

Base umano sa kuwento ng kapatid ni Angelica na si Erickson Manaloto, nagtungo ito sa kanilang bahay at makailang ulit na kumatok pero walang sumasagot.

Hanggang sa napansin umano ni Erickson na bukas ang gilid ng pintuan at nang kanyang silipin ay tumambad sa kanya ang bangkay ng mga biktima.

Sinabi naman ni Rizal provincial police director Col. Dominic Baccay na nakitaan ng mga saksak sa kanilang katawan ang mga biktima

Patuloy pa umano ang pag-iimbestiga ng pulisya para matukoy ang might kagagawan ng krimen at naghanap na rin ng mga CCTV footage sa lugar na makatutulong sa ikalulutas ng pamamaslang sa mga biktima. (Kiko Cueto)



Supply hyperlink

Leave a Reply

Your email address will not be published.