Politics

Sean, Christine type maghubo’t hubad sa isla


NI: ROLDAN CASTRO

Inurirat sina Sean de Guzman at Christine Bermas kung ano ang gagawin nila ‘pag mag-isa lang sila sa isla?

Buong ningning na sinabi ni Sean na mag-hubo’t hubad siya, magtatakbo sa isla at itataas ang dalawang kamay.

Ganoon din daw ang gagawin ni Christine. Magnu-nude din siya sa island.

Nagyaya rin ang attractive actress na magsabay na sila ni Sean sa sa isla pero natawa kami sa sagot ng aktor na tila ayaw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Truly, bizarre nga ang pakiramdam ng dalawa sa ginawa nilang love scene sa Island of Need. Magkapatid kasi ang turingan nila sa kuwadra ng kanilang supervisor na si Ma’am Len Carrillo.

Anyway, ngayong Abril, mapupunta tayo sa isang isla na might tinatagong misteryo. Isang lugar kung saan hindi ka makakawala. Tunghayan ang “Paraiso” dito sa bagong Vivamax Authentic Film – Island of Need, isang attractive drama na pinagbibidahan ng mga rising stars ng Vivamax na sina Christine Bermas, Sean de Guzman, Jela Cuenca at Rash Flores.

Kuwento ito ni Martha (Christine Bermas), na na-assign magtrabaho sa malayong lugar ng “Isla Bato.” Magiging nurse siya sa Regional Well being workplace ng isla, at makakakilala rin ng mga bagong kaibigan – si Tess (Jela Cuenca) na isang midwife. Ganoon din si Leloy (Sean de Guzman), isang habal rider. Dahil laging magkasama, mapapalapit ang loob ni Leloy kay Martha at tuluyang mahuhulog sa isa’t isa.

Sa pananatili ni Martha sa isla, ay siya ring pagdiskubre niya ng mga sikreto nito, isa na dito ang kulto na maraming tagasunod at might mapagsamantalang lider. Makikita rin ni Martha ang kapatid niyang matagal nang nawawala, na bibigyan siya ng babala at paaalisin siya sa isla habang kaya pa niya.

Abangan kung paanong isa-isang malalaman ni Martha ang mga hiwagang bumabalot sa Isla Bato at kung matatakasan ba niya ito.

Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Mapapanood na ito sa Vivamax simula April 1, 2022.



Supply hyperlink

Leave a Reply

Your email address will not be published.