Politics

Villanueva pinalalatag post-pandemic workforce sa gobyerno


Sa Araw ng Paggawa, sinabi ni Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva na could umuusbong na “post-pandemic Filipino workforce” sa bansa at dapat matugunan ng gobyerno ang mga pangangailangan ng mga makabagong manggagawa.

“Tumaas po lalo ang prayoridad ng ating manggagawa pagdating sa kalusugan at well-being dahil sa pandemya. Umabot na po tayo sa punto na magre-resign o lilipat ng trabaho ang mga manggagawa kung hindi matugunan ng mga employer ang pangangailangan ng mga empleyado na physical and mental health, pati na rin work-life balance,” sabi ni Villanueva.

Tinukoy ng senador ang 2022 World Development Index (WTI) ng kumpanyang Microsoft, kung saan inulat na halos kalahati o 49% ng mga Pilipinong manggagawa na nagkatrabaho nitong pandemya ay pinag-iisipang lumipat ng trabaho.

Sinabi rin ng survey na 67% ng mga manggagawang Pilipino ay prayoridad ang kalusugan kaysa trabaho, na mas mataas sa kabuuang ulat na 53% para sa buong mundo. Iniulat din ng WTI na 20% sa mga na-survey sa Pilipinas ay lumipat ng trabaho noong nakalipas na taon.

“Ang trabaho natin bilang tagagawa ng polisiya ay palaguin ang ekonomiya habang tinutugunan ang mga pagbabago sa physical, mental at emotional needs ng ating mga manggagawa,” sabi ni Villanueva.

Ayon sa report, ang 2022 Work Development Index ay pag-aaral ng 31,000 katao sa 31 na bansa, kabilang ang hindi bababa sa 1,000 na full-time employees mula sa Pilipinas. (Dindo Matining)



Supply hyperlink

Leave a Reply

Your email address will not be published.