Politics

Yelich pumalo ng MLB record


KINUMPLETO ni Christian Yelich ang record-tying third cycle, pero kinapos pa rin ang Milwaukee Brewers sa Cincinnati Reds 14-11 nitong Miyerkoles.

Apat na runs ang sinindihan ni Tyler Stephenson sa bisa ng dalawang doubles, humataw ng three-run homer si Colin Moran para sa Cincinnati.

Kumubra ng four outs si Alexis Diaz para sa panalo.

Naging pang-anim na player sa major league history si Yelich na pumalo ng at least isang home run, double at single sa iisang laro nang tatlong beses.

Ang iba pa na nakagawa nito ay sina Trea Turner, Adrian Beltre, Babe Herman, Bob Meusel at John Reilly.

Dalawang solo homers ang pinalipad ni Hunter Renfrore, naka-tig-isa sina Jace Peterson at Mike Brosseau sa Brewers. (VE)



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.